5 kawatan todas sa barilan

Injured Killed
0 5

Date: 23 January 2013
Source: Phil Star Pang Masa

MANILA, Philippines – Tatlong holdaper at dalawang mi­yem­bro ng ak­yat-bahay gang ang na­sawi sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa magka­hiwalay na insidente sa Sta. Cruz, Maynila at Que­­zon City.

Sa Maynila, tatlong holdaper ang napatay ng mga pulis nang ito ay ma­kipagbarilan matapos maaktuhan na nagsasagawa nang panghuholdap sa mga pasahero ng jeep sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang unang suspek ay inilarawan na nasa pa­gi­tan ng 25 hanggang 30, nasa 5’7” ang taas, brown com­­plexion, ka­tam­taman ang katawan, nakasuot ng  asul na sweat shirt, pu­lang shorts at kumbinasyon ng pula at itim na tsinelas. Ang ikalawa ay nasa pagitan ng 24-27 ang edad, 5’7” ang taas, brown complexion, katamtaman ang laki ng katawan, na­kasuot ng kulay asul na long sleeve sweater, kum­binasyon ng checkered white and blue  short pants, naka-t-shirt at na­kaitim na tsinelas. Habang ang pangatlo ay nasa pagitan ng 25 hanggang 30; 5’5” ang taas, brown complexion, katamtaman ang laki ng katawan, naka-itim na  polo shirt at itim na tsinelas.

Narekober sa mga suspek ang tatlong kalibre .38 baril na may apat na bala at pitaka na may lamang P6,770.

Sa imbestigasyon dakong alas-2:45 ng mada­ling-araw ay sumakay ang tatlong suspek sa jeep sa tapat ng Odeon/Vista sa Claro M. Recto kanto ng T. Mapua Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Agad naglabas ng mga baril ang mga suspek at nagdeklara ng hol­dap at pinagkukuha ang mga gamit at pera ng apat na pa­sahero na kinilalang sina Gerlie Atencio, 38; Ben­jie Vergara, 19; Glenda Beguerra, 33; at Mark Santos, 29.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nagkataon naman na nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar at nakita ang nagaganap na ko­mosyon kung kaya’t nilapitan nila ito.

Nakahalata ang mga suspek kung kaya’t agad umano nilang pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nasawi ang tatlo.

Sa Quezon City, da­la­wang miyembro ng Akyat Bahay gang ang nasawi rin matapos ma­kipagbarilan sa mga pulis, ilang minuto matapos na looban ang isang opisina sa Quezon City  kamakalawa ng alas-11:55 ng gabi.

Ang dalawang napatay ay inilarawan ang isa na nasa pagitan ng edad na 25-30, may tattoo sa kaliwang balikat, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at stripe na short pants; habang ang isa ay nasa pa­gitan ng edad na 30-35, may tattoo na “Alex 32 Advento” sa likod at kali­wang balikat, nakasuot ng kulay asul na jacket at maong pants.

Nakatakas ang isa ni­lang kasama na tinutugis na ng otoridad.

Batay sa ulat, naganap ang barilan sa tapat ng isang apartment sa no. 90-B Broadway, corner 4K St., Brgy. New Manila matapos na makita ng mga nag­papatrulyang pulis ang mga suspek  na  ikinakarga ang nakulimbat sa isang tricycle na walang plaka.

Nabatid na pinasok at pinagnakawan ng mga suspek ang apartment na pag-aari ng isang Boy Pantoja, 52, negosyante.

Ang nasabing apartment ay ginagamit uma­nong studio kung kaya’t walang nakatira dito at isinasara lamang kapag gabi.

Nang aktong papalapit ang mga otoridad para inspeksyunin ang tricycle ay  bigla na lamang umano itong pinaharurot ng isa sa mga suspek patungo sa Aurora Blvd., at iniwan ang dalawang kasama nito.

Nang maiwan ang da­lawang suspek ay nagpasya na lumaban at paputukan ang mga pulis na naging ugat upang gumanti ng putok ang mga huli.

Napatay ang dalawang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.