5 bihag na sundalo sa Davao palalayain na raw ng NPA ngayong araw

Injured Killed
0 0

Date: 31 July 2013
Source: Bombo Radyo

DAVAO CITY – Nagpalabas ng release order ang National Democratic Front (NDF-Mindanao) para sa limang mga bihag na sundalo na kasapi ng 60th Infantry Battalion Philippine Army. 
 
Posible umanong ngayong araw isagawa ang pagpapalaya sa mga bihag na sina Cpl Emmanuel Quezon, Pfc Vernie Padilla, Pvt Marteniano Pasigas, Pfc Ronald Gura at Pfc Donato Estandian.
 
Nasa isang buwan at 15 araw na rin sila sa kamay ng mga rebelde matapos maharang ng NPA sa kunyaring checkpoint sa Barangay Mapula, Paquibato, Davao City habang pauwi sa kanilang kampo mula sa isinagawang preparasyon para sa feeding program sa mga paaralan.
 
Si Bishop Modesto Villasanta ng grupong “Sowing the seeds for peace” ay nagpapasalamat na pagtugon umano ng NPA sa kanilang panawagan para sa pagpapalaya ng mga bihag alang-alang sa apela ng pamilya ng mga biktima.
 
Si Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte ang tatanggap umano sa limang mga bihag at kaagad na ihahatid sa headquarters ng 10th IB Philippine Army.
 
Sinasabing isasagawa ang pag-release sa bulubunduking bahagi ng Davao City.