Injured | Killed |
---|---|
0 | 7 |
Date: 11 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang habang dalawa namang sundalo ang nasugatan matapos sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng magkabilang panig sa hangganan ng Aleosan at Pikit , North Cotabato nitong Sabado ng umaga.
Ayon kay Major Gen. Romeo Gapuz, Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID), dakong alas-9:30 ng umaga ng makasagupa ng Army’s 40th at 7th Infantry Battalions(IB) ang grupo ng BIFF.
Sinabi ng opisyal na bago ito kamakalawa ng hapon ay nasangkot ang BIFF sa panununog ng ilang mga kabahayan sa lugar kaya nagresponde ang tropa ng mga sundalo na nauwi sa bakbakan kung saan nagpalitan ng putok ng mortar.
Nasa 200 pamilya naman ang nagsilikas sa takot na maipit sa bakbakan sa hangganan ng Brgy Tubak, Aleosan at Brgy. Buanan, Pikit, North Cotabato. Nagresulta ang bakbakan sa pagkasugat ng dalawang sundalo na mabilis na isinugod sa pagamutan.
Samantalang sa panig ng BIFF, ayon sa heneral ay lima ang napaslang base na rin sa report ng kanilang mga intelligence asset pero agad itong inilibing alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim. Sa tala ang BIFF ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na mahigpit na tutol sa peace talks.