Injured | Killed |
---|---|
43 | 0 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
CEBU CITY – Na-rescue ng mga otoridad ang umaabot sa 43 babae kung saan 14 sa mga ito ay mga menor de edad sa isinagawang operasyon ng Regional Anti-Human Trafficking Task Force (RATFF-7) sa dalawang bar sa General Maxilom Avenue, lungsod ng Cebu.
Maliban dito, anim na bugaw ang naaresto matapos tumanggap ng P3,000 marked money galing sa isang police na nagpanggap na costumer.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni RATTF chief Ma. Theresa Macatangay at deputy Insp. Sheryl Bautista kasama ang mga representante ng International Justice Mission (IJM), Department of Social Welfare and Development (DSWD-7) at Regional Intelligence Division (RID).
Ayon kay Macatangay, ang Pussycats at Club Temptation ay nag-employ ng mga babae na binabayaran upang makipa-sex sa mga customer.
Aniya, naaktuhan pa ang nasabing mga babae na nagpo-pole dancing sa loob.
Sinasabing ang bar ay isinailalim sa isang buwan na surveillance matapos makatanggap ng report na may mga menor de edad na binabayarang makipag-sex.
Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 o law against trafficking in persons ang mga suspek, kung saan sa ngayon nasa Police Regional Office (PRO-7) detention cell ang mga ito.
Isasailalim naman ang mga menor de edad sa dental aging test and orientation ng DSWD.