Injured | Killed |
---|---|
4 | 0 |
Date: 13 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Apat na miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng pulisya na nag-escort sa mga Precinct Count Optical Scan (PCOs) machine ang nasugatan matapos na pasabugan ng landmine at paputukan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA ) sa ambush sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Chief Inspector Juancho Ibis, PO2 Nelson Dioquino, PO1 Eric Elquiro at isa pa na hindi natukoy ang pangalan. Sinabi ni Supt. Renato Battaler, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) V, bandang alas-4:45 ng hapon nitong Biyernes ng tambangan ng mga rebelde ang behikulo ng Sorsogon City Police habang binabagtas ang kahabaan ng highway ng Sitio Bato, Bacon District ng lungsod. Ayon kay Battaler katatapos lamang mag-escort ang nasabing mga pulis ng mga PCOS machines na inihatid sa mga polling centers sa lungsod kaugnay ng halalan sa Lunes ng pasabugan ang mga pulis ng landmine ng mga rebelde saka paputukan na nauwi sa 30 minutong engkuwentro. Kinondena naman ng opisyal ang insidente kasunod ng pag-amin ng Santos Belarmina Command ng NPA na ang kanilang grupo ang responsable sa ambush. Samantala, tatlong tauhan naman ng Philippine Marines ang nasugatan at isang rebelde ang napatay ng tambangan ng NPA ang mga sundalo sa Gingoog City, Misamis Oriental nitong Sabado. Ayon kay Army’s 4th Infantry Division (ID) Spokesman Major Leo, Bongosia dakong alas-6:40 ng umaga ng maganap ang pananambang sa tropa ng 3rd Marine Battalion Landing Team (MBLT) sa Brgy. Lawit ng lungsod.