Injured | Killed |
---|---|
4 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Apat na katao ang nasugatan kabilang ang isang menor de edad sa insidente ng pamamaril sa iba’t ibang mga lugar sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Sa report ng Dimataling municipal police station, bandang alas-10:00 ng gabi nang mabaril ang dalawang biktimang sina Haron Tapia Dagadas, 40, at si Madato Dalinding, 30, sa may Barangay Mahayag sa bayan ng Dimataling.
Lumalabas a imbestigasyon ng pulisya na lasing na lasing umano ang dalawang biktima habang dumadaan sa naturang lugar at nagyaya ng suntukan sa mga residente.
Makalipas ng ilang minuto, bigla na lamang bi8naril ng hindi nakilalang salarin ang dalawang biktima.
Makalipas ang kalahating oras, binaril naman ng mga armdong lalaki ang isang bahay kung saan natutulog dalawang biktima na nakilalang sina Lowena Pugoy Uba, 27, at ang isang menor de edad sa Purok 5, Barangay Libertad ng nasabing bayan.
Sa tulong ng ilang nakasaksi sa pamamaril, nakilala ang dalawa sa mga suspek na siya umnaong nagpasimuno sa pamamaril.
Agawan sa lupa ang isa sa mga nakikitang motibo ng otoridad sa insidente.
Patuloy na ginagamot ngayon sa magkahiwalay na ospital ang mga biktima habang tinutugis ng pulisya ang mga tumakas na suspek. (MRDS)