Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 20 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
OLONGAPO CITY, Zambales, Philippines – Apat na pulis na isinasangkot sa kasong kidnap-for-ransom ang tinutugis ng kanilang kabaro matapos magpalabas ng warrant of arrest ang mababang korte.
Base sa inisyung arrest warrant ni Judge Roline Ginez-Jabalde ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74, pinaaresto ang mga akusadong sina PO1 Eleazar Jimenez, PO3 Alejandro Quinit, PO3 Arnold Chantengco at si PO1 Jayson Asuncion na pawang nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa nasabing lungsod at ngayon ay nailipat sa Aurora Police Provincial Office.
Ang mga suspek ay kinasuhan ng mag-asawang Joseph Vargas at Jonalyn na inaresto sa kasong bawal na droga noong Sept. 2012 sa Barangay New Cabalan, Olongapo City.
Hindi naman kinasuhan ang mag-asawang Vargas bagkus ay hiningan ng P.2 milyon ransom kapalit ng kalayaan.
Walang piyansang inirekomenda ang hukuman sa apat na suspek.