4 patay sa tangkang panghoholdap sa supermarket sa Pasig

Injured Killed
5 4

Date: 11 August 2013
Source: By dzmm.com.ph | 10:11 AM 08/11/2013

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/4_patay_sa_tangkang_panghoholdap_sa_supermarket_sa_Pasig.html

(UPDATE) Apat ang patay sa tangkang panghoholdap sa supermarket na nasa loob ng isang mall sa Rosario, Pasig City.

Bago mag-alas 11:00 Sabado ng gabi nang pinasok ng apat na armadong lalaki ang sangay ng Robinson’s Supermarket.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig Police, sarado na ang supermarket nang sabayan ng isa sa mga suspek pagpasok sa mall ang isang empleyadong nagtapon ng basura.

Tinutukan pa umano ng isa sa mga suspek ang mga empleyado at pinadapa.

Tinipon ng suspek ang mga guwardya at natitirang empleyado at nagbantang papatayin ang mga ito kung mag-iingay.

Naging hysterical naman ang isang babaeng empleyado kaya pinagbabaril ito ng suspek.

Habang nagkakagulo sa labas ng opisina, naka-tyempo naman ang OIC guard na si Juanito Bordadora na nasa loob para kumuha ng bakal na pamalo at pinaghahampas ang naiwang suspek na si Hernani Lupera na ikinamatay nito.

Hindi na nagawang balikan ng tatlong suspek ang opisina kung saan binubuksan pa lang ang vault at agad silang tumakas nang malamang patay na ang kasamahan nila sa loob.

Kinilala naman ang mga napatay na empleyado na sina Frederick Perez Jr. na isang gwardiya, lady guard na si Melanie Belga at Nonie Onas, isag merchandiser na pawang nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Sugatan naman ang tatlong guwardiya at dalawang empleyado ng mall matapos pagbabarilin ng mga suspek.

Anggulong inside job ang tinitingnan ng mga awtoridad dahil napag-alamang dating guwardiya ang isa sa mga suspek na si Lupera. Report from Eric Dastas, Radyo Patrol, Dexter Ganibe, Radyo Patrol 45 and Jeck Batallones, ABS-CBN NewsApat ang patay sa tangkang panghoholdap sa supermarket na nasa loob ng isang mall sa Rosario, Pasig City.

Bago mag-alas 11:00 Sabado ng gabi nang pinasok ng apat na armadong lalaki ang sangay ng Robinson’s Supermarket.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig Police, sarado na ang supermarket nang sabayan ng isa sa mga suspek pagpasok sa mall ng isang empleyadong nagtapon ng basura.

Tinutukan pa umano ng isa sa mga suspek ang mga empleyado at pinadapa.

Tinipon ng suspek ang mga guwardya at natitirang empleyado at nagbantang papatayin ang mga ito kung mag-iingay.

Naging hysterical naman ang isang babaeng empleyado kaya pinagbabaril ito ng suspek.

Dahil dito, lumaban ang mga gwardiya at empleyado, naagaw ang baril at hinampas ng baretang bakal sa ulo ang holdaper na nabasag ang bungo at ikinamatay nito.

Kinilala naman ang mga napatay na empleyado na sina Frederick Perez Jr. na isang gwardiya, lady guard na si Melanie Belga at Nonie Onas na isang merchandiser na pawang nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Sugatan naman ang tatlong guwardiya at dalawang empleyado ng mall matapos pagbabarilin ng mga suspek.

Anggulong inside job ang tinitingnan ng mga awtoridad dahil napag-alamang dating guwardiya ang isa sa mga suspek na nagngangalang Hernani Lupera.

Wala namang nakuha ang mga suspek sa loob ngunit inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga ito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. Wala namang nakuha ang mga suspek sa loob ngunit inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga ito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. Report from Eric Dastas, Radyo Patrol, Dexter Ganibe, Radyo Patrol 45 and Jeck Batallones, ABS-CBN News