4 na sundalo sugatan sa engkwentro vs NPA sa Isabela

Injured Killed
4 0

Date: 15 February 2013
Source: Bombo Radyo

CAUAYAN CITY, Isabela – Sugatan ang apat na kasapi ng 86th Infantry Batallion ng 5th Infantry Division Phil. Army matapos ang sagupaan sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at sundalo sa Barangay Ibuhan, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, tumagal umano ng 30 minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig kaninang madaling araw na nagresulta sa pagkasugat ng apat na sundalo.

Bukod dito, naitala rin sa nasabing engkwentro ang landmine incident na naging sanhi ng pagkasugat ng mga nabanggit na sundalo.

Kaagad namang dinala sa pagamutan ang mga sugatan na hindi naman nagtamo ng malalang sugat sa kanilang katawan.

Nabawi ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang bag, lalagyan ng bala at iba pang gamit na naiwan ng mga rebeldeng grupo.

Samantala, nasa ligtas ng kalagayan ang apat na sundalong nasugatan sa nasabing engkwentro matapos mabigyan ng lunas ang kanilang tinamong sugat.