Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Apat na heavy equipment ng isang construction firm ang sinunog ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Ladayon, Arakan, North Cotabato bilang bahagi umano ng kanilang pangingikil sa ilang kompaniya.
Ayon kay 1Lt. Nasrullah Sema ng 57th Infantry Battalion, 30 armadong NPA ang dumating sa compound ng Davao Concreting Product Corporation (DCPC) kung saan ayon sa pahayag ng guard ng naturang kompaniya, bago nangyari ang insidente inihayag umano ng armadong grupo na hinahanap nila ang management ng kompaniya upang mangolekta ng pera.
Kasama sa mga equipments na sinunog ng mga NPA ay isang bulldozer, road grader at dalawang Mitsubishi Elf hauler trucks.