Injured | Killed |
---|---|
0 | 4 |
Date: 16 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Apat na kalalakihan na sinasabing miyembro ng gun-for-hire gang ang napaslang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Centro Northwest, bayan ng Solana, Cagayan kahapon ng hapon.
Sa ulat P/Senior Supt. Gregorio Lim, Cagayan provincial PNP director, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa presensya ng mga armadong kalalakihan.
Kaagad na rumesponde ang pinagsanib na elemento ng 24th Special Action Company, at 2nd Special Action Battalion sa nasabing lugar.
Tumagal ang bakbakan ng ilang minuto bago mapatay ang apat na kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan.
Narekober sa encounter site ang 2-baby Armalite rifles, dalawang Garand rifle at dalawang cal. 38 revolver.
Walang nasugatan sa mga operatiba ng pulisya na bahagi ng Rapid Deployment Battalion ng Cagayan PNP.