Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
KIDAPAWAN CITY – Isinampa na ang kaso laban sa apat na mga field commanders ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na itinurong nanguna sa pananalakay sa bayan ng Midsayap, North Cotabato noong September 23, 2013.
Ito ang kinumpirma ni North Cotabato PNP provincial director S/Supt Danilo Peralta.
Si Peralta rin ang namuno sa Task Force Malingao kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Cotabato) at 6th Infantry Division Philippine Army.
Ito ay may kaugnayan sa pananalakay ng BIFF sa Brgy Malingao, Midsayap, North Cotabato, kung saan hinostage ng mga rebelde ang ilang mga guro at mga magsasaka.
Dalawang sibilyan din ang pinatay ng BIFF ang isa rito ay pinugutan pa ng ulo.
Hinihintay naman ng militar at pulisya ang ilalabas na warrant of arrest laban sa mga suspek para sila ay hulihin at panagutin sa batas. (Bombo Garry Fuerzas)