Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 31 July 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY- Isang apat na taong gulang na batang babae ang dumadaan ngayon sa matinding trauma matapos maging biktima ng panggagahasa mula sa isang lalaki na kanilang kapitbahay sa may Gov. Camins Avenue, Zamboanga City.
Batay sa ulat ng Zamboanga City police station 6, kinilala ang suspek na si Jay Gregorio Makiputine na umuupa ng bahay malapit lamang sa biktima.
Kuwento pa ng ama ng bata sa mga otoridad, nabigla na lamang ang kanyang misis nang makita ang kanilang anak na lumabas mula sa bahay ng suspek na may mga bahid ng dugo sa kanyang pangbabang kasuotan at umiiyak.
Nang kanila itong beripikahin ay dito na nadiskubre na ginahasa ng suspek ang kanilang anak.
Makalipas ang ilang oras na ginawang follow-up operation ng kapulisan ay nahuli ang suspek na ngayon ay naka-detain na sa selda.
Ayon sa pulisya, kasong rape ang kanilang isasampa laban sa nahuling suspek.
Payo naman ng mga otoridad sa mga magulang na palaging alalayan ang kanilang mga anak at huwag basta-bastang magtitiwala sa mga tao sa kanilang paligid.