Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
BACOLOD CITY – Sumuko ang tatlo sa pitong mga suspek sa pananambang-patay kay Kabankalan, Negros Occidental RTC Judge Henry Arles sa Barangay Manalad, bayan ng Ilog noong Abril 24, 2012.
Sina Jessie Daguia, Alejandro Capunong at Eddie Fortunado ay sumuko sa tanggapan ni Negro Occidental Provincial Police Office (NOPPO) OIC director S/Supt. Milko Lirazan kaninang umaga.
Sinabi ni Daguia na siyang itinuturong triggerman, ang kanilang paglabas ay upang malinis ang kanilang pangalan at ng kanilang grupo na Kapatiran o ang dating RPA-ABB mula sa pagkakadawit sa krimen na hindi naman nila ginawa.
Nilinaw nito na ngayon lang sila bumaba sa bundok dahil una nilang inasikaso ang kanilang seguridad at ng kanilang pamilya mula sa mga taong posibleng pumatay sa kanila kasunod ng kanilang paglantad.
Sina Daguia, Fortunado at Capunong ay kinuha ng Ilog PNP upang ikustodiya habang hinihintay ang commitment order upang malipat na sa BJMP.
Samantala, nananatili namang at large sa kasong murder sina Marvin Salve, Jerald Tabujara, Emmanuel Medes at Rustom Forro.