3 sundalo patay; landmine dinapaan ng sundalo

Injured Killed
0 3

Date: 20 May 2013
Source: Bombo Radyo

(Update3) LEGAZPI CITY – Naibaba na ang bangkay ng tatlong mga sundalong nasawi at isang sugatan sa nangyaring engkwentro kaninang umaga sa bahagi ng Barangay Del Rosario at Barangay Maninila, Camalig, Albay.
 
Kinilala ang mga nasawi sina Cpl Sandy C. Senadan, ang team leader mula sa Charlie Company ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army, at mga kasama nitong sina Pfc. Jaypee Cortez at Pfc. Roderick Barrameda.
 
Habang sugatan naman si Pfc. Ruel Soltes na mula sa 9-man team na na nagsagawa ng pagpapatrolya sa nasabing lugar.
 
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Col. Andrew Castelo ang commander ng 2nd IB, sinabi nito maliban sa natamong mga tama ng bala mula sa hindi pa maditerminang bilang ng mga NPA, isa rin umano sa mga biktima ang nadapaan pa ang isang landmine na itinanim ng mga NPA na agad namang sumabog.
 
Dahil dito, nagkalasog lasog ang katawan ng naturang sundalo bunsod ng matinding tama ng landmine.
 
Maliban dito, nakuha rin sa tropa ng pamahalaan ang ilang mga armas.
 
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang hot operation ng mga otoridad.
 
Inaalam din ng mga tropa ng pamahalaan kung madamay sa naturang pangyayari.
 
Ang bahagi ng pinangyarihan ng engkwentro ay malapit lamang sa ginagawang international airport sa lalawigan ay una na rin sinalakay ng mga armadong lalaki noong nakalipas na mga buwan.