Injured | Killed |
---|---|
3 | 0 |
Date: 26 May 2013
Source: Bombo Radyo
ROXAS CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagpapaulan ng bala sa isang tahanan na ikinasugat ng tatlong katao sa Barangay Gibato, Dumarao, Capiz.
Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na kinilalang sina Rey Iturriaga, Jasmin Iturriaga at Sofia Somaldi.
Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang itinuturong suspek na sina Totong Datilania, Aron Pampag, at dalawang iba pa na hindi pa nakikilala.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nag-ugat ang insidente sa away dahil lamang sa larong basketball sa pagitan ng grupo ng mga suspek at ng kapatid ng isa sa mga biktima.
Ayon sa mga pulis, sinundan ng mga suspek ang nakaalitan na si Ernie Somaldi at nang makarating na ng bahay ay biglang pinaulanan ng bala.
Narekober naman ng pulisya ang apat na empty shell at tatlong bala ng garand rifle.