Injured | Killed |
---|---|
3 | 0 |
Date: 24 February 2013
Source: Bombo radyo feb 24, 2013
3 sugatan sa grenade blast sa Baguio City
Sa ulat ng Bombo Radyo Baguio, isang lalaki umano ang pumasok sa opisina ng Baguio Civilian Volunteer Against Crime (BCVAC) na nasa tabi lang ng grandstand at nakitang naghagis ng granada at saka tumakbo palabas.
Lumabas naman ang tatlong sugatan at duguan, na sinasabing nakatayo lang sa may gilid ng pintuan ng opisina.
Kaagad namang naisugod sa Baguio General Hospital ang mga biktima.
Ngayong araw ay daan-daang katao ang nakaantabay sa sentro ng syudad ng Baguio upang abangan ang pagsisimula ng mga naggagandahang float na tampok sa grand float parade ng Panagbenga Festival 2013.
Napag-alamang 19 na float ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno at kompaniya ang makikiisa sa parade, isa pa rin sa mga pangunahing highlights ng Panagbenga Festival 2013 ng lunsod ng Baguio.
Ang mga nasabing float ay napapalibutan ng mga naggagandahang bulaklak gaya ng malaysian mums, everlasting, rosas, antorium at iba pa na nagmula pa sa lalawigan ng Benguet.