3 pulis na sugatan, 2 rebelde patay sa Bukidnon encounter

Injured Killed
3 2

Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang maraming iba pa ang sugatan sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng 104th Regional Public Safety Battalion (RPSB) sa Sitio Liboron, Barangay Sagaran, Talakag,Bukidnon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro kay PNP 10 regional spokesman Supt. Ronie Francis Cariaga na maliban sa mga nasawing rebelde, narekober din nila ang M-16 armalite rifle at .38 caliber pistol sa encounter site.

Samantala, nasa ligtas ng kalagayan ang tatlong pulis na nasugatan sa pakikipagbakbakan sa hindi matukoy na dami ng mga kasapi ng Front Committee 4-B ng NPA.

Ito’y matapos nalapatan ng medikasyon sina S/Insp. Alwin Baclao, PO1 Marlon Mendoza at PO1 John Budiongan na una nang dinala sa pribadong ospital dito sa syudad.

Kaugnay nito, mismong si PNP regional director C/Supt. Catalino Rodriguez Jr. ang nagbigay parangal sa nasabing mga pulis mismo sa kinalalagyang ospital ng mga biktima.

Dagdag pa ni Cariaga na ang naganap na engkuwentro ay epekto umano ng walang humpay na combat operations ng militar at pulisya sa mabundok na bahagi ng Hilagang Mindanao upang ma-neutralize nila ang isasagawang mga pag-atake ng mga rebelde lalo pa sa mismong araw ng halalan.