Injured | Killed |
---|---|
0 | 3 |
Date: 31 December 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi sa naganap na pamamaril sa Taguig City kahapon ng umaga sa huling araw ng 2013.
Habang isinusulat ito, hindi pa nakikilala ang tatlong katao na nasawi sa insidente na unang isinugod sa Ospital ng Makati.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa may no. 31 Mt. Apo Street, Palar, Brgy. Pinagsama. Ayon sa pulisya, nakatanggap na lamang sila ng ulat ng sunud-sunod na putukan ng baril sa kanilang lugar at nang respondehan ay tatlong katawan ng biktima ang tumambad.
Dinampot naman ng pulisya ang walo katao na hinihinalang may kinalaman sa naganap na pamamaril ngunit tumanggi ang pulisya na kilalanin ang mga ito.
Tumanggi muna sina Southern Police District (SPD) Director Jose Erwin Villacorte at bagong balik na Taguig City Police chief, Sr. Supt. Felix Asis na magbigay ng detalye sa naganap na barilan na isinasailalim pa sa imbestigasyon.
Sa unang impormasyon na lumabas, awayan umano sa tubig ang pinag-ugatan ng sigalot na nauwi sa barilan. Kinukumpirma naman ito ng pulisya.