Injured | Killed |
---|---|
0 | 3 |
Date: 21 May 2013
Source: DZMM ABS CBN
(UPDATE) Tatlo ang patay kabilang ang 82-anyos na biyudo matapos imasaker ng drayber nito sa Ibaan, Batangas Linggo ng gabi.
Kinilala ni Ibaan Police Chief Rosen Naparato Jr. ang matanda na si Armando Caringal at pamangking mag-asawa na sina Vincent Salibio, 28-anyos at Cesline Macatangay, 21, pawang residente ng Barangay Poblacion.
Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima kung saan agad namatay sina Caringal at Macatangay habang naisugod pa sa Queen Mary Hospital si Salibio.
Agad namang naaresto ang suspek na si Neil Ashley Diama, 20-anyos; pinaghahanap naman ang kasabwat nitong si Angelito Panganiban.
Inamin ni Diama na si Salibio lang ang target niyang patayin. Matagal na aniya silang may alitan at nagpaplastikan lamang.
Umamin din itong lango sila sa alak nang isagawa ang krimen.
Sinampahan na ng kasong multiple murder si Diama na kasalukuyang nakakulong sa Ibaan Police Station. Report from Arnell Ozaeta, DZMM Correspondent