3 month old baby, pinatay ng ama sa CDO

Injured Killed
0 1

Date: 14 April 2013
Source: Bombo Radyo

CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing itinanggi ng isang bagitong ama na kanyang sinasadya ang pagpatay sa kanyang sariling anak na tatlong buwan pa lamang sa Aluba, Brgy Macasandig sa syudad ng Cagayan de Oro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ng suspek na si Raymund Mantuwa, 24, na hindi totoo ang alegasyon na lasing siya ng naganap ang insidente.

Sinabi ni Mantuwa na aksidente lamang umanong nahulog ang anak nitong si Hans Gabriel nang kinuha niya ito sa duyan.

Iginiit din nito na wala umanong ama na papayag na patayin ang sariling anak.

Una rito, inihayag ng live-in partner ni Mantuwa na kanilang sasampahan ng kasong parricide ang suspek dahil siya’y naniniwala na sinadya nito ang pagpatay ng kanilang anak.