Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Hindi nakalusot sa mga otoridad ang isang 16-anyos na binatilyo at dalawa pang mga menor de edad na nagtangkang pumuslit ng iba’t-ibang mamahaling tsokolate sa isang mall sa Lucena City.
Sa ipinarating na impormasyon ng Quezon Police Provincial Office sa Bombo Radyo Naga, napag-alaman na mismong ang naka-duty na civilian guard ang nakakita sa tatlong hindi na pinangalanang menor de edad sa akto ng paglagay ng mga tsokolate sa kanilang bulsa.
Kabuuang P900 ang halaga ng mga tsokolateng hindi napagtagumpayang manakaw.
Samantala nasa kustodiya na ngayon ng DSWD ang mga menor de edad na suspek para sa kaukulang disposisyon habang hindi na rin nagsampa pa ng kaso ang tanggapan ng mall laban sa mga ito.