Injured | Killed |
---|---|
3 | 0 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Sugatan ang tatlong kasapi ng Phillipine Army sa nangyaring ambush sa Sitio Pulang Bato,Barangay T’kunel, Lake Sebu, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni 1st Lt.Bethuel Barber, spokesman ng 27th Infantry Battallion Phillipine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Lt. Barber, magsasagawa sana ang militar ng outreach program sa lugar nang inambush ng committee front 73 ng New People’s Army (NPA) na kaagad namang ikinasugat nina PFC Roy, PFC Solis at PFC Huliat.
Nagtagal umano ng 35 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig kung sa 25 rebelde ang kanilang nakasagupa.
Sa ngayon, nagpapagaling na sa hospital ang mga biktima habang patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation laban sa mga rebelde.