Injured | Killed |
---|---|
0 | 3 |
Date: 26 March 2013
Source: http://www.remate.ph/2013/03/3-holdaper-utas-sa-engkuwentro-sa-laguna/
Utas ang tatlong hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga tauhan ng BiƱan police sa Barangay San Antonio sa Laguna.
Sa report sa radyo, kinilala ni Calabarzon Police Director Chief Superintendent Benito Estipona ang mga namatay na sina JP Villanueva, Danilo Bertes at Jacob Maningas.
Batay sa report sa radyo, kaninang madaling araw nang biktimahin ng mga suspek ang isang overseas Filipino worker (OFW) na tinangayan nila ng mga gamit sa Platero Street sa national highway.
Agad na nagreport sa pulisya ang biktima dahilan para tugisin ang tatlo.
Nang matunton ng mga pulis ay nagkaroon ng barilan hanggang sa bumulagta ang mga suspek.
Nakarekober ang mga pulis ng baril na sinasabing ginamit ng holdaper.
Nabawi rin ang mga gamit ng biktima.
Napag-alaman na dati nang may kaso ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung kasapi ang tatlo sa mas malaking grupo ng sindikato.