Injured | Killed |
---|---|
0 | 3 |
Date: 22 January 2013
Source: Dzmm.com.ph , january 22, 2013, 6:00am
Patay ang tatlong hinihinalang holdaper matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Tomas Mapua kantro ng Recto sa Maynila.
Ayon kay SPO3 Roel Robles ng Manila Police District (MPD) Station 3, nagroronda sila nang maaktuhan ang tatlong lalaki na pababa sa isang jeep kung saan nagsisigawan ang mga pasahero.
Hindi na anya nila nalapitan ang mga suspek, dahil agad nagpaputok ang mga ito kaya umaksyon na rin sila.
Dead on the spot ang mga hindi pa nakikilalang suspek.
Narekober din ang mga baril na ginamit sa panghoholdap, maging ang gamit ng mga biktima.
Kwento naman ng apat na sakay ng pampasaherong jeep na biyaheng Cubao-Recto, sumakay ang tatlong holdaper sa may Isetan Recto at hindi pa halos nakakaandar ang jeep nang magdeklara ng holdap ang mga ito.
Ayon kay Police Superintendent Ricardo Layug, posibleng responsable rin ang mga napatay na suspek sa iba pang insidente ng holdapan sa mga jeep sa Recto. Report from Jake Morales, DZMM Correspondent and Jerome Lantin, ABS-CBN News