Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
CEBU CITY – Naaprubahan na ng piskalya ang kasong murder laban sa tatlong mga suspek sa nambugbog at nakapatay sa isang kustomer sa Metro Gaisano na si Mario Alfie Ducayag.
Ang tatlong suspek ay sina Mauricio Dublados, Melvin Boyles at Jeffrey Aquino na nahaharap ngayon sa kasong murder matapos nakitaan ng probable cause nina Prosecutor II AnnaLou Fernandez-Cavada, Prosecutor IV at reviewing officer Oscar M. Capacio at Cebu City Prosecutor Nicolas Sellon ang kaso.
Tatagal din ng dalawang linggo ang paghahanda sa mga impormasyon para pormal itong maipasa sa korte.
Una nito, binugbog at pinatay si Ducayag sa tatlong suspek sa loob mismo ng kanilang opisina matapos akusahan ng shoplifting sa naturang mall noong April 12, 2013.
Naging emosyunal rin sa tuwa ang kapatid ng biktima na si Aiko Ducayag na unti-unti na nilang nakamit ang hinihinging hustisya sa pagkamatay ni Alfie.
Umaasa naman ang pamilyang Ducayag na maipalabas na agad ang warrant of arrest upang maaresto na ang mga suspek.