Injured | Killed |
---|---|
0 | 3 |
Date: 10 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang bumulagta matapos ratratin ng 64-anyos na retiradong miyembro ng binuwag na Philippine Constabulary (PC) dahil sa pinag-agawang lupa sa bahagi ng Santo Antonio, Barangay Kapatungan sa bayan ng Trento, Agusan Del Sur, kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Martin Gamba, ang mga napatay na sina Rene Gillo-Ano Georlin, Maria Nerissa Georlin, at si Nelly Gillo-Ano Georlin, pawang nakatira sa Barangay Pag-Asa, bayan ng Sta. Josefa, Agusan Del Sur. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Nestor Primaylon Jaranilla. Sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril ganap na alas-9 ng umaga nang awatin ng mga biktima ang nagtatalong sina Jose Georlin at asawa ng suspek na si Elena Jaranilla kaugnay sa pinag-aagawang lupain. Dito na sumulpot ang suspek at pinaputukan ang mga biktima, saka tumakas sakay ng motorsiklo.