Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY- Arestado ang tatlong hinihinalang carnappers sa isinagawang anti-carnapping operation ng tropa ng Zamboanga City police station 1 na pinangungunahan ni S/Insp. Joel Tutuh sa Barangay Tictapul at sa Barangay Licomo sa Zamboanga City.
Na-recover din ng pulisya ang dalawang nakaw na motorsiklo sa mga suspek na kinilalang sina Erbert Carpizo Morasa, John Paul Dela Cruz Songcuya at Ricky Camins York, mga residente ng nabanggit na lungsod.
Batay sa record ng otoridad, ang mga nakumpiskang motorsiko ay nai-report ng mga may-ari na na-carnap, ilang buwan na ang nakakaraan.
Sa tulong ng mga nagbigay ng impormasyon ng pulisya, natunton ang pinagtataguan ng mga suspek.
Nakakulong ngayon ang nasabing mga suspek.
Patuloy ang operasyon ng PNP laban sa mga carnapper na responsable sa sunud-sunod na insidente ng carnapping sa iba’t-ibang lugar sa lungsod. (MRDS)