Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Kulong ang 35-anyos na ama matapos na halayin ang sariling anak sa bayan ng Malasiqui, sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang suspek ay kinilalang si Marcial Terrado at residente ng Brgy. Taloy sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, natutulog ang tatlong taong gulang na anak ni Terrado na walang saplot pang ibaba nang bigla itong dumating na lasing.
Dito ginawa ng suspek ang makamundung pagnanasa sa sariling anak.
Mismong ang kapitan ng barangay ang nakakita sa kalunos lunos na sinapit ng biktima na walang saplot at duguan ang ari nito.
Agad namang idinala sa pagamutan ang biktima habang ang suspek ay agad na dinakip ng mga barangay officials at ipinasakamay sa mga pulis.
Sa medico legal ng biktima lumabas na positibo itong ginahasa.
Hindi naman makapaniwala ang asawa ni Marcial na nagawang halayin ang sariling anak.
Samantala, inihahanda na ng PNP Malasiqui ang kaso laban sa suspek.