3-anyos hinalay ng kapitbahay

Injured Killed
1 0

Date: 28 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

GENERAL NAKAR, QUEZON, Philippines – Isang 3- taong gulang na batang babae  ang ginahasa ng kanyang 15-anyos na kapitbahay  sa Brgy. Poblacion,kamakalawa ng umaga.

Itinago sa pangalang Leah ang biktima habang ang suspek na itinago sa pangalang Mike ay itinern-over ito sa Municipal DSWD.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6-00 ng umaga habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay ang paslit ay nilapitan umano ito ng suspek at inayang maglaro at dinala sa isang kubo.

Doon na umano isinagawa ng suspek ang panghahalay sa biktima saka tumakas su­balit kinalaunan ay nadakip din.