3 Abu utas sa Basilan encounter

Injured Killed
11 5

Date: 10 October 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group kabilang ang kanilang sub-leader ang napatay habang pito naman ang nasugatan sa  walong oras na bakbakan laban sa tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Materling at Brgy. Tongbato sa bayan ng Ungkaya Pukan, Basilan kamakalawa. Ito ang kinumpirma ni Col. Carlito Galvez, commander ng Army’s 104th Infantry Brigade matapos marekober ang bangkay ng isa sa mga bandido habang ang dalawa pa ay inilibing na ng mga kasamahang ban­dido. Kinilala ang napaslang na sub-leader na si Muadz, kanang kamay ni ASG Commander Furuji Indama. Samantala, pito rin sa mga bandido ang sugatang nagsitakas matapos makasagupa ang tropa ng 11th Scout Ranger Company sa pamumuno ng napatay na si Captain Harold Camazo at ang isa pang tauhan nito na si Pfc Haygee Tolentino. Apat namang sundalo ang nasugatan na tinukoy na sina Pfc Edison Trinidad,  Pfc Kennon Ammogan, Pfc Rafael Ringor at si Pfc Joshua­ Ducrao.