25-anyos na dalaga patay matapos na magbaril sa sarili

Injured Killed
0 1

Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo

CAUAYAN CITY, Isabela – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa San Manuel, Isabela upang malaman kung nagpakamatay o may foul play sa 25-anyos na dalaga.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng PNP San Manuel na nagkulong sa kanyang silid si Roselita Apelado at makaraan ang ilang oras ay nagbaril sa sarili gamit ang homemade one-shot M16 na baril.

Tinamaan ng bala ang kanyang dibdib na dahilan ng agad niyang kamatayan.

Inaalam ng mga alagad ng batas kung paano nagkaroon ng baril si Apelado at kung ano ang dahilan ng kanyang pagpapatiwakal.