21-anyos na dalaga, ginahasa sa loob ng peryahan

Injured Killed
1 0

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Pinaghahanap na ng mga otoridad sa Quezon Province ang isang lalaki na nasa likod ng panggagahasa sa 21-anyos na babae sa loob ng peryahan.

Kinilala ang suspek na si Noel Banayado Veran Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PO2 Leonora Maloles ng PNP sa bayan ng San Narciso, sinabi nitong pinasok ng suspek sa tinutulugan nito sa peryahan ang hindi na pinangalanan ng biktima.

Habang pinagsasamantalahan, tinatakot umano ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng pagtutok ng baril.

Matapos ang insidente, tumakas sa lugar si Veran at sumakay sa inarkilang tricycle.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.