Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 17 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Matinding alitan ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay saka pinugutan ang 20-anyos na lalaki na kanyang nakaalitan kamakalawa ng gabi sa Zone 7, Sitio Mampili sa Barangay San Pedro, Iriga City, Albay. Base sa police report, huling namataang buhay ang biktimang si Juanito Iglesia na naglalakad pauwi nang makasalubong ang suspek na si Jay-Ar Paz. Ilan sa mga residente ang nakakita sa dalawa na nagkakasigawan hanggang sa maganap ang pananaga. Itinapon ng suspek ang ulo ng biktima sa loob ng videoke bar na pag-aari ni Oscar Llagas. Natagpuan naman ang duguang katawan ng biktima na nakabulagta sa gilid ng kalsada.