Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 16 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Bigo ang tatlong holdaper na maholdap ang dalawang American national makaraang pumalag ang isa sa mga biktima na nakakuha ng atensyon ng taumbayan, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Dumulog sa Pasay City Police ang mga biktimang sina Michael Turner, tubong California, USA at Filipino-American na si Jaime Tubalinal, 52, tubong Nueva Ecija.
Sa ulat ng Pasay City Police, naghihintay ng masasakyang bus dakong alas-5 ng ma daling-araw sa may EDSA cor. Celle Street, patungong Ninoy Aquino International Airport ang dalawa dahil sa papauwi sa Estados Unidos si Turner makaraang magbakasyon sa lalawigan ni Tubalinal.
Ayon kay Turner, naglalakad sila sa lugar nang unang lapitan si Tubalinal ng isa sa mga holdaper at tutukan ng patalim. Isa sa mga holdaper ang lumapit sa kanya at tinangkang hablutin ang dala niyang laptop bag habang nakamasid lamang ang ikatlong salarin.
Nanlaban ni Turner kung saan sinuntok siya ng ikalawang suspek ngunit nagawa niyang makahulagpos at magtatakbo sa gitna ng kalsada at humingi ng saklolo na nakakuha ng atensyon sa taumbayan sa lugar. Dito na nagkanya-kanyang takas ang mga holdaper at iniwan ring ligtas ang biktimang si Tubalinal.