Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 16 June 2010
Source: http://www.bomboradyo.com/index.php/news/more-news/6140-2-suspek-arestado-sa-pagpatay-sa-miyembro-ng-bayan-muna-sa-negros-occidental
BACOLOD CITY – Mga kasapi ng Philippine Army ang itinuturo na bumaril patay sa kasapi ng Bayan Muna sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Benjamin Bayles, 42-anyos, na nagtamo ng multiple gunshot wounds sa katawan at idineklarang dead on arrival sa Valeriano Gatuslao District Hospital sa Himamaylan City.
Dalawang mga suspek na naka-bonnet na sakay sa motorsiklo ang bumaril umano sa biktima habang nag-aabang ng sasakyan sa Brgy. Buenavista kahapon.
Sa checkpoint na isinagawa ng mga pulis, na-intercept ang dalawang suspek sa Brgy. 1 Kabankalan City na kinilalang sina Roger Bahon, 26, ng Brgy. Tiling, Cauayan, at Ronnie Caurino, 24, ng Brgy. Cayhagan, Sipalay City.
Na-recover sa kanila ang isang .45 caliber pistol na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Ayon kay PO2 John Derek Capunong, isinailalim sa custodial investigation ng Himamaylan Police Station ang mga suspek upang madetermina ang motibo ng krimen.
Itinuturo naman ng Bayan Muna members na kasapi ng militar sina Bahon at Caurino