Injured | Killed |
---|---|
2 | 3 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
CAUAYAN CITY, Isabela – Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nakasagupa sa Tabuk City, Kalinga na nagbunga ng pagkasawi ng dalawang sundalo at pagkasugat ng tatlong iba pa.
Naganap ang sagupaan matapos paputukan ng hindi pa batid na bilang ng mga NPA ang tropa ng 17th Infantry Batallion Philippine Army sa Barangay Tumwengan,Tabuk City, Kalinga.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa 5th Infantry Division Philippine Army sa Gamu, Isabela, ang mga killed in action ay sina Cpl Dominador Concordia, Pfc Rey Raagas habang ang mga nasugatan ay sina 2Lt. Cesar Carcido, Pfc Manuel Langga, Pfc Kennedy Sallaya, pawang tubong lalawigan ng Cagayan.
Mayroon ding nasugatan sa mga rebelde pero hindi pa nakumpirma kung ilan.
Ang bangkay ng mga nasawing sundalo ay dinala sa punerarya Carbonel sa Bolanao, Tabuk City, habang nilalapatan na ng lunas ang mga nasugatan sa isang ospital sa Tuguegarao City.