Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 12 February 2013
Source: Bombo Radyo
CAUAYAN CITY, Isabela – Sugatan ang dalawang tao at nilalapatan na nang lunas sa ospital matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Ang mga biktima ay sina Loreto Pahitong, 29, at Lina Cauilan, 24, kapwa residente ng Potia, Alfonso Lista, Ifugao.
Sa imbestigasyon ng Santiago City Police Ofice (SCPO) dakong alas dos ng madaling araw nang lumuwas patungong Santiago City ang mga biktima lulan ng tricycle.
Nang makarating sila sa national highway na nasasakupan ng Purok 7, Rizal, Santiago City ay bigla silang nilapitan ng isang motorsiklo na sinasakyan ng hindi pa mabatid na bilang ng mga suspek at sila ay pinagbabaril.
Nagtamo ng sugat sa kanyang balikat si Pahitong samantalang nadaplisan ng bala sa katawan si Cauilan. Agad silang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang SCPO para matukoy ang mga supek at kung ano ang motibo sa pamamaril sa dalawa.