Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 22 April 2013
Source: http://www.abante-tonite.com/issue/apr2213/crime_story02.htm
alawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang magkasunod na natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Cavite kahapon ng alas-12:00 ng hatinggabi at alas-tres ng madaling-araw.
Unang nadiskubre ang bangkay ng isang kinilala pa lamang sa alyas “RC” na natagpuan sa talahiban ng Barangay Alapan 1-C sa Imus, Cavite. May mga tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Hinala ng mga residente sa lugar na may kinalaman sa droga ang pagkakapaslang sa biktima dahil na rin umano sa pagkakasangkot nito sa mga transaksiyon ng iligal na droga.
Natagpuan naman sa Tirona Highway sa Brgy. Balsahan, Kawit, Cavite ang bangkay ng isang Jayson McCoy, nasa husong gulang, makaraang lapitan ng asong kalye at amuy-amuyin ang tumagas na dugo mula sa katawan ng biktima.
May saksak sa leeg ang nakabulagtang biktima na huling nakitang buhay umano dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa habang nakatambay.