2 salvage victim kinilala ng pamilya matapos marinig sa Bombo Cauayan

Injured Killed
0 2

Date: 20 March 2013
Source: Bombo Radyo

 

CAUAYAN CITY, Isabela – Nakilala na ang bangkay ng dalawang lalaki na hinihinalang salvage victim na nahukay noong Linggo, March 17 sa sementeryo ng San Luis, Cauayan City.

Ang naagnas ng bangkay ng mga biktimang sina Fernando Allam Turaray, 42, at Wilcado Palattao, 37, residente ng Santor, Rizal, Kalinga ay kinilala mismo ng kanilang mga kamag-anak na nagpunta sa isang punerarya sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa anak ni Fernando Turaray na si Brando, sinabi niya na nagpaalam ang kanyang ama noong Pebrero 5, 2013 na magtutungo sa Aurora, Isabela upang ipaayos ang kanyang motorsiklo kasama ang kanyang tiyuhin na si Wilcado.

Hindi na nakauwi ang dalawa hanggang marinig nila sa Bombo Radyo Cauayan ang pagkakilanlan ng mga bangkay na nakuhay sa sementeryo ng Barangay San Luis.

Nagtungo sila sa punerarya kung saan nakalagak ang bangkay ng dalawang lalaki at positibo itong kinilala ng mga kamag-anak.

Ayon kay Brando, magsasaka ang kanyang ama at wala siyang alam na sinalihang grupo o kaya ay nakaaway bago siya nawala.

Umapela ang pamilya ng mga biktima sa mga may kagagawan sa pagpaslang sa kanila na makonsensiya at sumuko.