Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Isang babae at isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang patay sa nangyaring bakbakan kontra sa tropa ng gobyerno sa Nabawang sub-village, Brgy Busdi, Malaybalay City.
Ayon kay 8th IB commanding army officer Lt. Col. Romualdo Raymund Landingin, nangyari ang insidente matapos maglusad ng combat clearing operations ang tropa ni 1Lt Artemio Fulgosino sa Pulangui River kung saan kanilang nakasagupa ang limang mga rebelde.
Ang mga namatay sinasabing miyembro ng Pulang Bagani Yunit (PBY) Section Committee 89 ng North Central Mindanao Regional Committe kung saan ang kanilang lider ay si Junie Tilukan na nakilala bilang Kumander Watiwit/Sidlak/Kidlat.