2 rebel returnees, binaril-patay sa Quezon Province

Injured Killed
0 2

Date: 07 May 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Natagpuang wala ng buhay ang mag-live-in partner na parehong rebel returnees sa lalawigan ng Quezon na ngayo’y nagtatrabaho na bilang Rural Development consultant sa kapitolyo.

 

Kinilala ang mga biktima na sina Genesis Castillo at Sharon Matibag, kapwa residente ng Barangay Gulang-gulang, Lucena City.

 

Batay sa impormasyon, natagpuan na lamang ang dalawa na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa madamong bahagi ng Sitio Dela Fuente, Barangay Lagalag sa bayan ng Tiaong.

 

Sa report ng PNP Tiaong, ilang residente sa lugar ang nakarinig ng sunud-sunod na putok.

 

Nang puntahan kung saan naganap ang putukan, dito tumambad sa kanila ang patay na mga biktima at anim na basyo ng bala.

 

Nagpatulong na sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang PNP Tiaong para matukoy ang mga suspek na nasa likod ng krimen.

 

Nabatid na ilang taon na mula nang nagbalik-loob sa gobyerno ang dalawa na dating naging miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).