Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
Patay ang dalawang katao sa nangyaring panghoholdap sa dalawang sangay ng fast food chain sa Marikina kagabi.
Dead on the spot ang security guard na si Jericho Velarmino.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Marikina police, nagpanggap na kustomer ang apat na katao at pumasok sa Greenwich at Jollibee.
Habang papatakas ang mga kawatan, humiram si Velarmino ng baril sa katabing guwardiya na nagbabantay sa isang convenient store at nakipagbarilan ito.
Napuruhan ng mga holdaper si Velarmino habang nabaril patay ng mga pulis ang isa sa mga suspek.
Sa ngayon patuloy ang manhunt operation sa tatlong nakatakas na suspek.