Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
Dalawang katao ang namatay sa magkahiwalay na insidente sa lungsod Pasay at Maynila kaninang madaling araw.
Binaril ng hindi kilalang suspek ang isang lalaki sa Barangay 190, Pasay City.
Kinilala ng mga otoridad ang biktimang si Romeo Balbuena na may apat na tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City police, posibleng onsehan sa droga ang motibo sa pamamaslang dahil minsan nang nasangkot ang biktima sa nasabing kaso.
Dead on the spot naman ang isang 24-anyos na babae matapos masagasaan ng L-300 sa Sta. Cruz, Maynila.
Ang biktima ay si Michelle Quinto habang ang driver ay 21-anyos na si Gilbert Barbasena.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagpra-practice lamang sa magmaneho ang suspek kaya’t wala itong lisensya.
Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kakaharaping kaso ng suspek.