2 patay pati pulis sa away sa sugal sa lamay

Injured Killed
0 2

Date: 24 June 2013
Source: Bombo Radyo

(Update) ILOILO CITY – Ang mainit na pustahan sa pasugal na cara y cruz ang itinuturong dahilan ng nangyaring barilan sa lamay sa Brgy. Mali-ao, Pavia, Iloilo kahapon ng umaga.
 
Patay sa insidente ang dalawang katao kabilang na rito ang isang pulis na kinikilalang si PO1 Rizaldy Henarios, assigned sa Regional Public Safety Batallion Reg. 6 at isang Freddie Animas, kapwa residente ng nabanggit na lugar.
 
Sa pag-usisa ng Bombo Radyo, nasa P20,000 na umano ang talo ng suspek na kinilalang si Michael Hansilan sa pustahan ngunit sa kagustuhang makabawi, ipinusta nito ang kanyang singsing na nagkakahalaga umano ng P20,000.
 
Tinutulan naman ito ng isa sa mga namatay na biktima na si Animas dahilan para magalit ang suspek hanggang sa mauwi sa barilan.
 
Inawat ng pulis ang suspek ngunit binaril ito ng hindi pa nakilalang kasamahan ng suspek na isa rin umanong pulis.
 
Para masigurong patay, kinuha pa ng suspek ang .45 caliber pistol ng pulis at siyang ginamit sa pagbaril dito.
 
Ang dalawang suspek ay nananatiling at-large habang confine naman sa ospital ang isa pang biktima na tinamaan ng ligaw na bala.