Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 05 March 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Dalawa ang nasawi kabilang ang isang limang taong gulang na bata sa insidente ng strafing na nangyari sa may Sitio Birahan, Barangay Upper Benembengan, Sumisip, Basilan.
Nagtamo ng grabeng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Basid Akalon at ang paslit na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.
Batay sa ulat ng Basilan police provincial office (BPPO), bandang alas-7:40 noong nakaraang gabi habang nasa loob ng isang bahay sa lugar ang dalawang biktima kasama ang kanilang pamilya at mga kaanak nang bigla na lamang barilin ng mahigit kumulang sa 10 mga lalaki na armado ng mga matataas na kalibre ng baril.
Lumalabas sa imbestigasyon ng otoridad na grupo ni Abu Sayyaf Group (ASG) lider Radzmir Janatul ang responsable sa nangyaring strafing sa lugar.
Si Janatul ay isa sa mga tagasunod ng notoryosong commander ng ASG na si Puruji Indama na nangunguna sa mga nangyayaring gulo sa lalawigan ng Basilan.
Personal na galit ang isa sa mga nakikitang motibo ng otoridad sa pamamaril ng bandidong grupo sa bahay ng mga biktima.
Dahil sa insidente, muling bumalot ng matinding takot sa mga residnete sa lugar dahil sa pangamba na muli silang atakihin ng armadong grupo.
Nagbigay na ng seguridad ang PNP at militar sa lugar kaugnay ng nangyaring insidente. (MRDS)