Injured | Killed |
---|---|
5 | 2 |
Date: 11 March 2013
Source: Bombo Radyo
BACOLOD CITY – Dalawa ang patay at lima ang sugatan kabilang na ang dalawang sundalo matapos ang nangyaring engkwentro sa Hacienda Handumanan, Brgy. Concepcion, lungsod ng Talisay, Negros Occidental kaninang hapon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Talisay City PNP, agawan sa lupa ang dahilan ng nasabing engkwentro sa pagitan ng isang huwes sa lungsod ng Bacolod at ilang impluwensyadong tao sa naturang lugar.
Ang mga namatay ay pawang mga kasapi ng blue guards ng isang Judith Montibon, isa sa mga nagsasabing siya ang may-ari ng nasabing propiyedad.
Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga sugatan kabilang na ang dalawang sundalo kung saan ang isa ay kinilalang si Col. Rene Escolona.
Samantala, batay sa pahayag ng mga testigo, ang sundalo na nakasakay sa sasakyan ang unang nagpaputok hanggang nagpalitan na ng mga putok galing sa magkabilang grupo.
Sa ngayon patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga imbestigador lalung-lalo na ang pagtukoy sa mga salarin at pagkuha ng pangalan ng mga biktima.