Injured | Killed |
---|---|
3 | 2 |
Date: 29 June 2013
Source: Bombo Radyo
DAVAO CITY – Nagkasagupa ang mga kasapi ng Sta. Ana Police Station katuwang ang mga miyembro ng SWAT laban sa mga suspected drug pushers sa Barangay Sentro, Agdao, Davao City.
Iniulat sa Bombo Radyo Davao ni P/Supt. Cesar Cabuhat ng Sta. Ana PNP na dakong alas-12:20 kaninang madaling araw ay nagsagawa ng buy bust operation ang kapulisan sa lugar.
Nangyari ang insidente matapos na magpanggap na poseur-buyer si PO1 Camero habang pinalilibutan ng mga police ang lugar ngunit napansin ito ng mga suspek kaya nakapaghanda.
Kaagad namang tumawag ng dagdag puwera ang raiding team mula sa SWAT team matapos na magmatigas na lumabas ng kwarto ang mga suspek.
Dito na naganap ang putukan hanggang sa dalawa ang naitalang patay at tatlo naman ang sugatan sa palitan ng mga putok.
Nakilala ang mga sugatan na sina Baby Boy Manere, 16; Jalel Manere, 20, at Nadia Manere, 38, na kaagad na dinala sa Southern Philippine Medical Center (SPMC).
Samantala tinamaan naman sa kaliwang balikat si PO1 Camero na isinugod sa San Pedro Hospital.
Nagtamo naman ng sugat sa noo at wasak ang kanang mata ng nasawi habang sa balikat naman ang sugat ng isa pang namatay na suspek na ngayon ay patuloy na inaalam pa ang kanilang pagkakakilanlan.
Narekober din ng mga otoridad mula sa mga suspek ang mga armas at jumbo pack na shabu.
Nagawa namang sunugin ng mga suspek ang ilang hawak na mga shabu