2 NPA patay, armas narekober sa encounter sa CamSur

Injured Killed
0 2

Date: 19 April 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY- Patuloy na inaalam ng mga otoridad sa Camarines Sur ang pagkakakilanlan ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) na nasawi sa engkwentro kaninang hapon.

Ayon kay Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng 9th Infantry Division (ID) Philippine Army, nangyari ang engkwentro alas-2:40 kanina sa Barangay Antipolo, Iriga City.

Matagal na umanong minamanmanan ng kanilang grupo ang mga NPA dahil sa kanilang extortion activities sa lugar at nagkataong nagkasalubong ang dalawang panig.

Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang rebelde.

Narekober din ang isang M16 rifle at M653 mula sa tinatayang 10 miyembro ng mga NPA.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad.