Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 21 April 2013
Source: Bombo Radyo
LA UNION – Kahit sa mismong bakuran ng bahay at sa pinapasukang establisyemento ay sinasabing hindi na rin ligtas laban sa mga magnanakaw.
Ito’y matapos ma-carnap ang dalawang motorsiklo na nakaparada sa loob ng bakuran at sa parking lot ng isang ospital sa syudad ng San Fernando.
Batay sa report, nagising na lamang si Benson Apiado, 26, binata, at residente ng Purok 4, Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union na nawawala na ang kanyang motorsiklo na kulay berde, may plaka numero AO-3606, na nakahimpil lamang sa kanilang bakuran, bandang alas-10:00 kagabi.
Samantala, hindi na rin nasakyan pauwi ni Yvone Rey Apilado, 23, binata, residente ng Barangay Santiago Norte sa syudad at nagtatrabaho bilang nurse sa isang private hospital, ang kanyang motorsiklo matapos na hindi na makita sa mismong parking space bandang alas-10:00 kagabi.
Ang motorsiklo ni Apilado ay kulay itim at pula, may plate plate number ZL-5455.
Agad nakipag-ugnayan ang San Fernando City Police Station sa iba’t ibang himpilan ng pulisya para sa posibleng pagrekober sa mga ninakaw na motorsiklo.